Requirements for Marriage License Application
Pre-Marriage Orientation and Counselling Appointment
Pre-Marriage Orientation
Required for all couples.
Ang seminar na ito ay ayon sa Section 15 of Republic Act 10354, “The Responsible Parenthood and Reproductive Act of 2012”, na kinakailangan bago bigyan ng lisensya ang lahat ng ikakasal. Ito ay binibigay lamang ng Local Population Officer ng isang lugar, at dito sa Muntinlupa, ang Pre-marriage Orientation and counselling committee.
Paalala
- Ito ay bukod na seminar sa Pre-Marriage counselling.
Pre-Marriage Counselling
Required for couples whose age is between 18 to 25 years old.
Paalala
- Ito ay karagdagang requirements bukod sa Pre-Marriage Orientation.
- Kung isa o parehas ng edad ng couple ay below 25 years old, kinakailangan pa din umattend ang couple.
- Ang edad 25 at isang araw pataas ay hinde na po kinakailangan umattend ng seminar na ito maliban na lang kung ang inyong partner ay edad 25 pababa.
- Ito ay bukod na rehistro at seminar sa Pre-marriage orientation
- ang seminar na ito ay pwede din kunin sa ibang lugar, gaya ng simbahan, parokya, kongregasyon at iba pang organization na may permit para magsagawa ng pre-marriage counselling.